Wednesday, October 31, 2007

Adik ako! oo...! sa koreanovela nga lang!


***Putakte! Pagkatapos ng Jumong, akala ko aayos na ang buhay estudyante ko!!! Pagkatapos ng mga gabing magkandapuyat-puyat ako dahil sa mga salpukan at bakbakan, nandito nanaman ang bagong Korean TV series tungkol sa buhay kisaeng at ang pulitikal na aspeto ng kanilang existence. Hindi naman ako mahilig sa sayaw-sayaw at kilig-kilig, pero nararamdaman kong marami akong makukuhang insight sa palabas na ito.Siempre, bonus nalang na kyut ang mga tauhan. At isa sa kanila ay mukhang Pilipino. Ang pangalan niya ay Jang Geun Suk, ang unang makakatambal ni Jini sa telenobela. Marami pa siyang kahuhumalingan ayon sa nabasa kong synopsis, subalit kakaiba ang freshness ng batang ito. Bukod sa pagiging artista, isa rin siyang mang-aawit at mananayaw gaya ng total performer na bida sa Full House na si Rain.

***Sa pagtatapos ng Jumong, napakarami kong natutunan. Hindi maikakaila na masasalamin sa kulturang Koreano ang pagpapahalaga sa pamilya, sa paggalang sa mga nakatatanda, ang respeto sa katunggali, ang pagmamahal sa bansa, at ang epekto ng pulitika sa buhay ng mga tao mula sa hari hanggang sa kanyang mga nasasakupan. Marami rin akong nalaman tungkol sa damdamin ng isang taong umiibig, sawi, namatayan, naghihiganti, at marami pang iba, na sa tingin ko naman ay napakaganda at eksakto ng pagkakasadula.At higit sa lahat, ang aspeto ng pag-ibig na hindi pangkaraniwan sa mga Koreano-- ang homosekswal na relasyon ng dalawang dati'y mandirigma at ngayon ay mga ministro na. Ipinapakita rito na anuman ang kanilang ugnayan, sila'y nirerespeto sapagkat ang ayos at galaw naman nila ay kagalang-galang, at gayundin ang kanilang paggampan sa kanilang mga tungkulin. Hindi naman hadlang ang relasyon ng kahit ano pa mang uri basta malinaw sa kanila ang tama at mali, at kung ano ang inaasahan sa kanila bilang mga haligi ng bagong bayan.

No comments: