***Sumasakit ang ulo ko kapag pinipilit kong magpaka-intelektwal. Nireregla ang ilong ko. Pero sa klase ni Oca Campomanes, kailangan kong magpanggap na intelektwal para hindi naman ako mahiya sa klase. Hanggang ngayon ay wala akong ideya sa ipapasang kritisismo sa mass media. Sa Martes na ang pasahan, at parang imposibleng makapasa ako.
***Malapit na akong umuwi ng Baguio! Malapit ko nanamang matikman ang luto sa '50s Diner! Kung magawi kayo ng Baguio, subukan niyo ang brewed coffee nila. Ang sarap. Amoy pa lang, solb na ang ibinayad mo. Masayang tambayan iyon.
***Kaninang nagpasa ako ng aking maikling kwento kay Ophie Dimalanta, labis akong nagulat at natuwa sa kanyang sinabi. May kausap siyang propesor sa opisina niya noong pumasok ako doon.Ako: Ay, sorry po mam. Hindi ko po alam na mayroon kayong bisita.Ophie: Come in, come in. This is Chris, my student in Fiction Writing. He's one of the better writers in class.At pagkatapos ay napatitig nalang sa akin ang kausap niya na parang hindi makapaniwala, ngunit napilitang maniwala kasi kay mam galing iyon.Parang bagong ligo ang pakiramdam kahit pawisan ako sa mga narinig kong papuri. Pero inisip ko nalang na manunula si Ophie. Ang mga manunula ay sinungaling. At madalas ding mag-trip iyon.Ganun pa man, pinasaya niya ako ng husto.
No comments:
Post a Comment