"Life is uncertain" - a life lesson which ma'am Grace Empalmado thought me when I was in College.
No one expect a tragedy would comes in our life any moment. Ang inaakala ko 'non na masasayang sandali ay magiging metsa pala ng kapahamakan. That was 11-07-11, when the Sea Raker sunk with a load of 964 sacks of copras, anda total of 53 tons not including the gross weight of the Cargo Vessel.
That was one of the most unfortunate moment of my life. Isang pangyayari na nagdulot ng isang masklap na ala-ala sa aking buhay habang nasa lansa ako nagtatrabaho. It was 7 o'clock ng umalis kami ng Balangonan after the Clearance and Go Signal of the Coast Guard. Maaliwalas at maliwanag ang ang sikat ng buwan no'n kaya kampanti kami na umalis. Nagkainuman pa ang ilan sa mga kasamahan namin pero okey naman ang lahat ayon sa inaakala namin. Bandang 11 o'clock ay biglang kumulimlim at kumapal ang ulap at nagbahagyang umambon at may kalat kalat na pag-ulan subalit nagpatuloy parin kami ayon na rin sa ang mga ganiting pangyayari ay normal na sa amin at dumaan na rin kami sa mas malalang pagsubok no'n sa aming buhay tulad ng malalaking hampas ng alon at naglalakasang buhos ng ulan. Nang mag alas dose na ay tuluyan ng buhos ang malakas na ulan na nagdulot na kadiliman sa buong paligid at sinamahan pa ng pag-brown-out sa baybayin kung kaya't mas lalo pang nagdulot na pagdilim ng aming kinalalagyan. Ilang beses ding tumaas ang tubig limasin sa aming lansa at mga aberiya ng tiger pump. Minsan lumalampas hanggang tuhod ang limasin kung kaya't mano-mano naman kaming lumimas. Minsan nagpapalitan kami ni kapitan sa pag-aayos ng makina sa ilalim kung kaya't umaayos naman ang takbo ng lansa. Ala una na ng tuluyan kaming nilamon ng dilim at para kami naglalayag sa kawalan at walang kasiguruhan ang aming paglalakbay. Pagod at puyat na ang aming nararamdaman ng mga oras na 'yon pero wala sa isa amin ang nagkatagang "Suko Na Ako" patuloy naming nilabanan ang hamon kalikasan hanggang sa sumapit ang bukang liwayway ngunit di parin namin alam ang saktong lokasyon na aming kinaroroonan. Ng tuluyan ng mag-umaga ay saka pa naming nalaman na nasa mababaw na pala ng parte ng baybayin ang aming sasakyan. Nagimbal at natarnta na kaming paatrasin ang lansa subalit bigla na kaming may narinig na kalabog sa ilalim, 'yon pala ay sumayad na sa buhangin ang aming pala na naging dahilan ng pagkabali ng ehe. Tuluyan na kaming na stranded at unti-unti ng nababara sa baybayin ang sinasakyan nmin. Humingi kami ng tulong sa mga sasakyang pandagat upang hilain kami subalit lubhang napakabigat ng nito at di na kami kya dahilan narin sa tuluyan na talagang sumayad sa buhangin ang aming sasakyan. Di na kinaya na humihila sa amin kung kaya't binitawan na nila ang pisi. Sobrang lakas ang mga hampas ng alon at sunod sunid pa ang mga ito. Ng makaalis na ang lahat ng pasahero ay s'ya ring pagputok ng tatlong sunod sunod na dambuhalang alon at sa isang pikit mata ay nabuwal at tuluyang nasawak ang aming sasakyan. Never akong nag-close prayer no'n pero sa mga oras na 'yon ay tuluyang bumuhos ang mga patak ng luha ko kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Hagulgol na ayaw ko namang ipakita sa mga kasama ko ang tanging nagawa ko sa mga iras na 'yon habang pinagmamasdan ang pagkawasak ng Sea Raker.
Monday, April 16, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment