Wednesday, April 18, 2012
Salman Diwa
Salman Diwa - He was my first bestfriend when I was [ I think 8 or 9 years old]. That was the time I'm studying in East Migpulao, Dinas, Zamboanga del Sur. I was jst Grade-II. In a first place, di naman talaga kami masyadong close kasi magkaiba ang katayuan nmin sa buhay. Anak s'ya ng isang Imam or hall I say Ulama. Mayabang at may di kanais nais na ugali s Salman, tulad halimbawa ng pagiging masungit at palaaway. Matalino si Salman sa aralin, Infact he was he first honor that time. Ako nagsimula nan ako sa wala, bobo at walang alam sa buhay. Halos nangongopya pa nga ako noon eh[ hehehe! Sad to say pero totoo 'yon.] Saan nga ba nagsimula ang pagkaaibigan nmin? Ah! Tama, nagsimula 'yon isang araw habang papasok na kami sa paaralan ay tinutukso ako ng dalawang kaklase kong babae ng masasakit na mga salita patungkol sa pagkato ko [pagiging binabae ko.] Nagalit talaga ako noon ng husto at dahil sa pagiiging high-tempered ko ay dinumog ko ang isa sa kanila. Talagang nag-away at nagsabunutan kami ng todo, panay palibot at kampihan naman ang iba naming kaklase at pinabayaan kaming magsabunatan ng buhok. Maya-maya pa'y dumating ang ate at kuya n'ya at pinagtulungan na nga ako. Syempre paano ba nan ako makalaban eh tatlo na nga ngayon ang kalaban ko. Oinagtulungan nila talaga ako ng husto hangang sa dinugo na nga ang ilong ko at nagkapunit punit na ang damit ko. To the rescue na itong si Salman [Knight Of Shining Armor]. Pinagsusuntok niya at pinagbubugbog ang mga nakalaban ko hangga't sa sumuko na ang mga ito at inawat inawat na rin sila ng may dumating ng mga teachers namin. Sa di ko malamang dahilan ay bakit ako tinulungan ni Sal. Ako nama'y nanatili ngnasa isang sulok at walang imik, nilapitan n'ya ako ng hindi ko na namamlayang nasa harapan ko na pala s'ya. Pagtingin sa mukha niya'y bigla akong nakaramdam ng awa. Nagdurugo parin ang bibig niya. Ngumiti siya sa akin sabay tanong kung okey lang ba ako? Matagal akong nakasagot pero pinilit kung tugunan ang tanong n'ya. Ngumiti lang s'ya sabay anyaya sa'kin para pumasok na sa loob ng silid-aralan. Hanggang sa nakapsok na kami ay nanatiling palaisipan parin sa akin kung bakit nga ba n'ya ako tinulungan. Ayaw ko naman s'yang tanungin tungkol sa bagay na 'yon at baka isipin pa n'yang nagmamalaki ko. Habang nagsusulit na kami ay di parin mawaglit sa isipan ko ang nangyaring iyon. Nang mag-uwian na ay hinabol n'ya ako at sinabayan n'ya ako. Doon pa lang ako nagkaroon ng pagkakataong humingi ng paumanhin sa nangyari sa kanya at pagkakataong magpasalamat narin sa ginawang n'yang pagtatanggol sa akin. Aminado naman kasi s'yang di ko talaga 'yon mga nakaaway ko dahil malalaki sila at tatlo pa. Simula ng mga araw na 'yon ay parati na kaming magkasama at naging matalik na magkaibigan hanggang umalis na ako sa lugar namin at lumipat ng ibang paaralan. Sa totoo lang ng umalis ako sa amin ng di man lang ako nakapagpaalam sa kanya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment