Wednesday, April 18, 2012
Life After...
Mark Risty Tan-awon, Eddie Recto, Ricardo Albarico - sila ang mga kauna-unahang naging kaibigan ko sa Dimataling, Zamboanga del Sur. Naging matatalik ko silang mga kaibigan dahilan narin sa magkaklase kaming apat. Parang magkakapatid ang turingan namin sa isa't isa. Madalas kaming nakatambay sa bahay ni Mark or Mc'Coy ang tawag namin sa kanya. Halos iisa lang kasi kaming hilig, ang panonood ng Anime Shows [Flame of Recca, Dragonball Z, Pokemon, Knight Hunter, Cat's Eye at Lupin III]. Pagkalabas namin sa paaralan ay deritso na kami sa bahay nila Mc'Coy upang maglaro at manood ng tv. Maging sa mga araw na wala kaming pasok ay madalas kami doon lang sa bahay nila naglalaro at minsan kung may mga homeworks ay doon din namin ginagawa sa kanila. Sa mga panahong 'yon ay unti-unti ko rin nakalimutan ang sickness ko kay Sal. Dahil na rin siguro sa pinupunan na rin nila ang mga kalungkutang iyon, at kinakailangan ko na rin kumbuga mag move on or mag step up. Si Mc'Coy ang pinaka matalino o "Brainy Boy" sa aming grupo at hindi sa pagmamayabang ay sunod naman ako sa kanya [sad to say but it's true]. Madalas kami ang pinagtatambal sa tagisan ng talino at naging magkompetensya narin sa mga exams bagamat mas nakakaangat s'ya sa talino ay nalalamangan ko naman s'ya sa sports dahil adventurous talaga ako noon pa man kaya ako ang binansagang "Sporty" sa aming barkada. Si Ricardo namn ang "Bad Boy" sa ming grupo, madalas s'yang namimikon ng mga kaklase namin lalo na ang mga babae. Madalas s'yang mapagalitan dahil na rin sa kaingayan n'ya [pati na rin ako, hehehe! Maingay din noon!]. Si Eddie Recto ang "Cool Boy". Mabait at masayahin s'ya at higit sa lahat ay palakaibigan at relihiyoso. Napaka-enjoy ng naging samahan nming magbabarkada hanggang sa natapos ang isang taong pag-aaral namin ay nanatili kaming magkakaibigan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment